Mapagpalayang araw sa inyong lahat! Kumusta na kayo? Kumusta ka na?
Magustuhan n'yo sana ang sorpresang ito mula sa akin sa pagbubukas ng bagong buwan at sa pagsisimula rin ng bagong yugto ng buhay ko sa opisyal na paglipat namin ni Ivan ng tirahan. Sa kauna-unahang pagkakataon, ibinabahagi ko sa inyo ang kopya sa PDF ng kauna-unahan kong libro, ang Detours to Deserted Countries na inilathala ng Protea Publishing noong 2002 (123 pages!). May isinulat din akong bagong pambungad tungkol dito (9 pages!).
Exclusive ito sa ngayon sa patrons ko kaya tulad ng lahat ng iba pa ko pang ibabahagi rito kada Linggo simula ngayon, huwag sana ninyong i-upload sa ibang bahagi ng internet o basta ipadala sa iba. Maraming salamat sa patuloy ninyong suporta at patawarin n'yo sana ang mga kahinaan ko sa aking kabataan na makikita sa librong ito. Pero sa mga nabasa na ang Walong Diwata ng Pagkahulog, siguradong maraming mga alingawngaw mula sa nobela na makikita ninyong posibleng nagmula sa totoo kong karanasan. Halimbawa, may Banahaw sa librong ito!
At gaya ng dati, kung mayroon kayong mga tanong tungkol sa pagsusulat o pagbabasa ng panitikan, o mga bagay na gusto ninyong talakayin ko sa alinman sa mga akda ko, tulad ng seryeng Janus Sílang, ipadala lang ninyo sa akin at susubukin kong sagutin ang mga iyan sa mga susunod na linggo!
Laging kulang ang pasasalamat!